Claudine Barreto, Raymart Santiago and Mon Tulfo Airport Fist Fight Video
Radio and TV journalist Mon Tulfo was reportedly had a fist fight with actor Raymart Santiago and wife Claudine Barreto on Sunday afternoon, May 6, at the arrival area of the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Watch the video below!
ABS-CBNnews.com report says:
In an interview with dzMM, Tulfo said he just arrived from Davao onboard a Cebu Pacific flight when he saw a familiar face at the arrival area reprimanding a flight attendant.
“Nasa arrival area na ako, palabas na ako ng arrival area tapos may napansin akong magandang babae. Namumukhaan ko, maganda siya eh. Hindi ko naman siya nakilala. Pinagalitan ang ground stewardess ng Cebu Pacific,” he said.
Tulfo said he later on recognized that it was Claudine Barretto scolding the airport staff.
“Nag-sympathize ako sa kanya dahil sabi ko, tingnan mo nga naman itong Cebu Pacific bakit naman ganoon. Marami na kasing insidente itong Cebu Pacific naging inefficient sa cargo ng mga pasahero. Kaya sabi ko buti nga,” he said.
Tulfo said he then decided to take a photo of the actress through his camera when he heard that the latter was already cursing the stewardess.
“Noong nakita ko na minumura na niya ang pobreng babae na mangiyak-ngiyak, ipatatanggal daw niya sa trabaho, kinunan ko ng litrato ng cellphone. Gusto ko sanang sabihin na ‘Cool ka lang, iyan namang babae, wala namang kasalanang personal sa iyo bakit mo naman minumura,’” he said.
Tulfo, however, said he was caught off guard after Claudine's husband Raymart Santiago approached him and was forcefully trying to grab his cellphone.
“Noong nilagay ko ang cellphone ko sa vest ko... nakita nung si Raymart. Pilit niyang kinukuha ang cellphone ko. Sabi niya, ‘Bakit ka kumukuha?’ Magpapakilala sana ako kaya lang nung pilit na niyang kinukuha ang cellphone ko, tinulak ko siya sabi ko wala kang karapatan na kunin ang cellphone ko. Doon nag-umpisa ang kaguluhan,” he said.
Tulfo said several people approached him and a punch landed on his face that’s why he decided to fight back.
“Habang sinasangga ko ang mga suntok nila dahil marami sila, minumura pa ako. Ako na ang binalingan ni Claudine ng galit niya. Minumura mura na ako. Tinamaan ako eh. Noong tinamaan ako sa may mata, nagdilim na ang paningin ko,” he said.
Tulfo said it took a while before airport authorities responded to stop the brawl.
Claudine narrated:
Pagbaba ho namin ng airport, naghintay po kami ng matagal sa carousel ng luggage. Walang dumating na luggage namin so lumapit kami sa ground stewardess tapos nalaman namin na naiwan pala 'yung luggage at ipapadala na lang daw.
“Tapos sabi nung friend namin kay Raymart, para nang may nagvi-video. Lumapit si Raymart. Ang pagsabi raw ni Raymart ‘Sir, ano hong ginagawa ninyo?’ Sabi raw sa kanya ‘Anong pakialam mo?’ Tapos sinuntok siya ni Mon Tulfo.
“Noong lumapit 'yung dalawang friends namin na lalaki, bigla na lang niyang pinagsususuntok at pinagsisisipa.
“Lumapit ako sabi ko ‘Anong problema mo? Bakit ka nanununtok?’ Tapos bigla na lang humarap siya sa akin, tinadyakan niya ako ng dalawang beses sa hita tapos tinulak ako sa may counter ng sobrang lakas.
“Kung ako na babae kaya niyang tadyakan at itulak ng ganyan ganyan, hindi ho maganda ang ginagawa niya. Nag-aamok siya ng ganun lang? Tinatanong lang siya ng maayos tapos magwawala siya ng ganun?
“Mga Kristiyano po kami at hindi kami sinungaling.”
If you like this post and you want to be updated you might want to subscribed through email below
0 comments:
Post a Comment