Monday, February 22, 2010

Jaclyn Jose to pull out her daughter Andi from ABSCBN's Agua Bendita!

Share



Jaclyn Jose to pull out her daughter Andi from ABSCBN's Agua Bendita! Jaclyn Jose is disappointed on the delayed appearance of her daughter, Andi, in the said soap opera. Story after the jump.



written by Allan Diones of abante-tonite

NANGANGANIB na i-pull out ni Jaclyn Jose ang kanyang anak na si Andi Eigenmann sa fantaseryeng Agua Bendita dahil hindi nagustuhan ng aktres ang ginawa ng ABS-CBN sa anak niya.

Ang ipinagsisintir ng aktres, si Andi ang aligaga sa pagpo-promote ng nasabing programa na magsisilbing launching show nito, ‘yun pala ay matagal pa bago ito mapapanood sa Agua Bendita.
Nag-premiere ang nasabing fantaserye nu’ng Pebrero 8, pero ang dinig namin ay sa Abril 9 pa (o pagkatapos ng dalawang buwan) papasok sa show si Andi.

Natural lang sa mga ganitong programa na magsimula ang istorya na mga bata pa ang bida, pero kadalasan ay hanggang isang linggo lang ang itinatagal ng mga batang karakter (o pinakamatagal na siguro ang da lawang linggo), pero hindi inaabot ng dalawang buwan bago pumasok ang tunay na bida.

Ang hindi nagustuhan ni Jaclyn ay lumalabas na sinisisi pa umano ang anak niya kung bakit hindi pa ito isinasalang sa show.
Ang ibinigay raw kasing dahilan ng mga taga-ABS ay kesyo ‘boyish’ ang dating ni Andi at ‘stiff pa ang akting’ nito.
Ang katwiran ng aktres, noon pa ganu’n kumilos ang anak niya at kung boyish pala ang dating nito, eh bakit si Andi ang pinili ng network na magbida sa Agua Bendita?

Hindi sinisisi ng aktres ang management dahil kaya niya itong intindihin, pero hindi niya nagustuhan ang manner ng pag-handle ng network sa sitwasyon.
Nasaktan daw kasi si Andi at umiyak ito sa kanyang ina dahil sa nangyari. Nagpapayat pa ang dalaga para sa nasabing show kaya masyado itong apektado.

Ang isa pang ikinabuwisit ng aktres ay nang malaman niyang ipinatawag si Andi sa ABS-CBN at pinapirma ng kontrata nang hindi niya nalalaman.
Kahit pa nangatwiran umano si Andi na, “I don’t want to sign. My mom told me not to sign anything” ay pinapirma pa rin ito nang walang consent ng ina.

Ang pinapirma raw kay Andi ay kasulatan na okey lang dito kung kailan man siya ipapasok sa programa. May bilin pa raw sa dalaga na isikreto nito ang tungkol sa hindi muna nito pag-entra sa nasabing fantaserye.
Dalawang araw pa lang yatang nakapag-taping si Andi para sa Agua Bendita at hindi pa ito nasusundan.
Sa galit ni Jaclyn ay gusto raw ipatanggal ng aktres sa credits ng show ang pangalan ng anak niya at saka na ito ilagay kapag lalabas na ito sa programa.

Ang isa pang inaalala ni Jaclyn, baka ‘pag buma ba ang ratings ng show ay saka ipasok si Andi, tapos ay isisi sa dalaga ang mababang ratings.
Ngayong gabi ay magsisimula na sa GMA ang pambatang telefantasya na Panday Kids (kapalit ng Darna) na katapat ng Agua Bendita sa ABS.
Posibleng mas pahabain pa ng Dos ang exposure ng mga bata sa nasabing fantaserye lalo pa’t mga bata ang bida sa ka tapatan nitong programa sa Siyete.
Masyadong nasaktan si Jaclyn para sa kanyang anak. Mas nadagdagan din ang takot ni Andi dahil baka pagpasok niya sa show ay bumaba ang ra tings nito at sisihin siya.

Kahit hindi pa siya lumalabas sa Agua Bendita ay mga nagdara tingan nang product endorsements para sa tisay na dalaga nina Jaclyn at Mark.
Natuwa si Jaclyn para sa anak, pero nadismaya siya nang sabihan ng mga taga-ABS na hindi pa nila maaaring tanggapin ang anumang endorsement hangga’t hindi pa luma labas sa show si Andi.




If you like this post and you want to be updated you might want to subscribed through email below

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner



0 comments:

Related Posts with Thumbnails

About This Blog

Pinoyshowbiss.blogspot.com does not claim ownership of the pictures and videos posted on this blog. These can be found on the web and are considered to be of public domain. If you believe your copyrighted content is showing on Pinoyshowbiss and you want it to be removed, please do not hesitate to leave a comment on the material(s) concerned so that your request will be attended promptly. We do not host or upload any video, films and any other media files.

Pinoyshowbiss.blogspot.com purpose is to entertain the Filipinos all over the web. Thank you and Enjoy!

Pinoy TV Shows's Fan Box

Pinoy TV Shows on Facebook

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP