Jolina Magdangal chose "Pinoy Idol" over "Kaputol Ng Isang Awit"
Pinay celebrity actress Jolina Magdangal chose "Pinoy Idol" over "Kaputol Ng Isang Awit".
"Totoo po na in-offer sa akin ang Kaputol Ng Isang Awit, hindi po totoong nasulot sa akin ang project dahil mas pinili ko po itong pagiging judge ko sa Pinoy Idol. Nauna po talagang in-offer sa akin yung Sine Novela, pero dumating din po ang approval ng Fremantle [franchise holder ng Pinoy Idol] sa resume ko submitted by GMA Network, na ako nga raw ang magiging isa sa mga judges, at sina Kuya Ogie at Tito Wyngard ang kasama ko. Kailangan ko pong pumili lang ng isa. Kung pareho ko pong tatanggapin, may conflict na sa schedule. Ang taping po ng soap ay every Tuesdays and Saturdays, samantalang we will tour the Philippines para sa audition ng Pinoy Idol. Nasa ruling po ng Fremantle na once lang kaming puwedeng mag-absent. Although sayang ang Kaputol Ng Isang Awit, mas pinili ko na po ang Pinoy Idol. Pero unfair po namang sabihing hindi bagay ang role kay Glaiza. Dahil nakita ko na po na mahusay siyang umarte, maganda rin po siyang kumanta, plus marunong pa siyang tumugtog ng gitara," -Jolina Magdangal
0 comments:
Post a Comment